Translate

Sunday, December 29, 2013

BADING DAW AKO? WHEEH 'DI NGA?

Mga palatandaan na bading ang isang lalaki - kahit itago-tago pa niya....:))))

Tamang trip lang ba. ^_^

Salamat sa naka-chat ko kanina, nagkaroon tuloy ako ng isang inspirasyon na gumawa ng blog post na ito. Nakakatawa na nakakabahala na may mga kalalakihan pala na hindi nila alam kung paano nila aalamin na bakla ang isang lalaki o hindi. Kaya pala ang dami-daming mga lalaking nahuhulog sa patibong. Lalo na ngayo't ang daming mga baklang discreet o yung mga hindi mo mahahalatang bakla pala.....hanggang sa mapapunta kayo sa motel. :)))

Ang mga ito ay mga "random thoughts" lang. Hindi ko sinasabing 100% na tama ang mga ito. Pero ang mga ito ay base sa aking karanasan sa same-sex attraction:

1. Sobrang hilig niyang mag-selfie.

Alam mo yung tipong panay ang post niya ng mga litrato ng sarili niyang pagmumukha sa Facebook, Twitter o Instagram, na para tuloy akala mo ay slideshow na ang profile pics album niya. Lalong-lalo na kung ang mga selfie niya ay yung tipong naka-topless siya at wari'y ipinagyayabang niya na "maganda" ang katawan niya. Keshahodang may abs siya o nag-gi-gym siya o malaki ang biceps niya. Yung tipong nang-aakit ng tripper na mapapadpad online at mahuhumaling sa kanyang katawan at mag-co-comment na "Ang sarap naman!" o di kaya'y, "Text me 09#########."

2. Sobrang OC sa underwear.

Sa totoo lang, may mga lalaking OC talaga sa underwear. Pero kadalasan kasi ang mga tunay na barako, mas tinitignan ang tibay at kalidad ng underwear na binibili nila. Hinahanap din nila kung kompartable sa kanilang "pagkalalaki" ang underwear na nabibili nila. Pero ang mga "paminta" (durog man o buo), medyo OA na sa kaartehan. Kadalasan ang habol nila, yung underwear na "sexually appetizing". Yung tipong nakakalibog sa partner kapag suot-suot nila iyon. Ang paboritong brand ay Bench. Yung tipong magaganda ang kulay, maka-eyecandy sa mga mata. Ang matindi pa diyan, kapag ang tatak ng underwear niya ay Andrew Christian....hahaha....CONFIRMED!!! :))))

3. Mga matang malagkit

Merong something sa mga mata nila. Yung tipong kapag nakakakita ng mga gwapo and/or mga machong lalaki, ay ang mga mata ay wari'y naglilisik na parang gustong ipain ang kakaining prey at kainin ng buhay. Daig pa ang mga babae. Pero alam mo yung hindi mo maipaliwanag kung paanong lagkit iyon. Basta mahahalata mo na lang at mararamdam mo na parang bang pinagnanasahan ka niya. Kung minsan, nagkatitigan lang kayo sa loob ng MRT, wari'y sinasabi na mag-booking kayo - tapos deretso sa Sogo o sa Victoria Court.

4. Pa-simpleng changsing

Maraming klase iyan. Yung iba sumisimple pa. Yung mga paakbay-akbay para kunwari'y magtropa-tropa lang. Yung akala mo simple hawak lang - pero yun pala sa kanya may kahulugan na iyon. Yung tumatabi siya lagi sa iyo kahit na wala namang sense sa guy friendship/relationship ang pagtabi niya sa iyon. Pero kapag nasa CR na kayong dalawa at tumabi pa siya sa iyon habang umiihi ka sa urinal.....ah yun na!

#IngatIngatDinPagMayTime   #AngDamingMapagsamantala :)))

5. Bachelor of Arts Major in Missosology

Ayaw nila ng beauty contest. Ay grabe!!! As in ayaw nila. Yung tipong kabisado niya ang mga nanalo sa Miss Universe mula 1960 hanggang ngayon, pati ang mga sagot nila sa Q&A memoryado pa nila. Alam din nila kung ano ang itsura ng evening gown na sinuot nila at kung gaano ka-"fierce" umano ang pagrampa nila sa swimsuit. Sila yung mga naniniwala na mas magagaling pang sumagot sa Q&A ang mga contestant sa Super Sireyna kaysa sa mga contestant ng Mutya ng Pilipinas.

6. Kakaibang hilig sa mga santo

No offense sa mga religious dito. Sa katunayan, relihiyoso din po akong tao. Pero kaya ko ito nailagay ay sapagkat napapansin ko lang, na ang dami sa mga panatiko ng mga damit ng mga santo at kolektor ng mga santo ay mga berde ang dugo. Gusto niyo ng patunay? Pumunta kayo sa prusisyon sa pista ng iyong mga parokya at makikita ninyo. Yung tipong ginawang fashion show na ang prusisyon sa sobrang daming ka-ekekan at burloloy ang mga damit ng mga santo. Kulang na lang at imbitahan nila sina Heidi Klum at Nina Garcia para mag-judge ala Project Runway: Prusisyon Edition.

7. "Tell me who your friends are, and I will tell you who you are."

Ika nga sa isang kasabihan: "Birds of the same feather, flock together." Hindi ko naman sinasabi na huwag makipagkaibigan sa mga bading para hindi masabing bading ka. Ang tinutukoy ko ay yung mga Facebook friend nila. Yung tipong ang mga friend nila sa FB account nila ay puro mga hubad na larawan ng mga lalaki, tapos maraming mga ni-la-like na mga "sensually enticing" na mga pages....yun na! Tapos, tignan niyo na din ang mga conversations nila sa comment box. Nasusuya ka. As in.