Translate

Tuesday, November 26, 2013

MODUS SA HABAL-HABAL by: Anonymous

Kwento ng friend ko 'to. Gusto ko lang i share para kapulutan ng aral o makaiwas sa ganitong modus ng mga manloloko.

Nagkakilala sila sa isang gay site. To make the story short makikipag meet ang friend ko sa kanya.

At ang mga pangyayari.

Tinawagan ng friend ko sya dito sa Cabuyao, meet daw sila sa San Isidro. Nakamotor at pinasakay friend ko, nagpunta sila sa isang tindahan, bumaba at hiningan friend ko ng pera, malakas daw siya uminom at beer lang iniinom ng mokong, binigyan ng friend ko pambili ng isang case, tas humingi ng pambili pulutan naiwan daw niya pera niya sa bahay ng Tita niya kuno at ibabalik lang daw niya, binigyan naman ng friend ko.

Ang di ko lang maintindihan sa friend ko ay alam na niya iba ang itsura sa pics, alam na niyang poser sumama pa rin ang manyak kong friend. TSK!

Walang beer sa tindahan kaya nagyaya sa malapit na ministop na lang daw, so sakay sila ulit papuntang convenience store biglang nakita ng mokong tropa niyang matanda at mataba rin, pinasakay ng mokong, friend ko umusug sa dulo tas tropa niya nasa gitna.

Bigla na lang huminto pagdating sa di kalayuaan, bababa na daw tropa niya so syempre bumaba friend ko. Biglang na lang daw pinatakbo ang motor at iniwanan na lang ang friend ko sa gitna ng dilim at walang nagawa ang kawawa kong kaibigan kundi maglakad, naholdap, naloko manyak kasi, tinxt pa sya ng  mokong sabi babalikan lang daw siya at ihahatid niya yung tropa niya pero alam ng tropa ko di na siya babalikan, ayun  natangay pera niya humigit 2.5K.

Hanggang tinxt nya ako at nagpapasundo.

Moral lesson:
1: 'Wag basta basta magtitiwala sa mga nakikipagmeet up.
2: 'Wag pairalin ang kalibugan.
3: Kilalanin muna bago makipag meet.